September 20, 2025 · From Facebook
𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡!!!
𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗥𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡!!!
Kaisa ang mga progresibong grupo ng Zamboanga City sa panawagan laban sa malawakang korupsyon. Hindi biro ang pawis at hirap ng bawat manggagawa, magsasaka, at ordinaryong mamamayan na tapat na nagbabayad ng buwis. Hindi biro ang sakripisyo ng mga estudyante na nagsusunog ng kilay para sa kinabukasan, ngunit nauuwi lamang sa bulsa ng iilan ang dapat ay para sa kanilang edukasyon at oportunidad.
Ang perang pinaghirapan ng taumbayan ay dapat gamitin para sa ligtas na kalsada, maayos na paaralan, abot-kayang serbisyong panlipunan, at makataong kabuhayan. Hindi sa iligal na pakinabang ng mga tiwaling opisyal. Panahon na upang igiit ang tapat na pamamahala at wastong paggamit ng pondo. Ang laban kontra korapsyon ay laban para sa kinabukasan ng bawat pamilya, bawat estudyante, at bawat mamamayan ng Zamboanga.
Tara na at makiisa sa panawagan, 9AM, September 21, WMSU Open Field.
View original post on Facebook →