Skip to main content
Back to activities

October 6, 2025 · From Facebook

Ngayong Oktubre, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang katatagan, karunungan, a...

Ngayong Oktubre, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang katatagan, karunungan, at mayamang kultura ng mga Katutubong Pamayanan (Indigineous Peoples o IPs) sa buong Pilipinas. Hindi lamang sila mga tagapangalaga ng lupaing ninuno–sila rin ay tagapaghatid ng sinaunang kaalaman, tagapagpanatili ng kultura, at tagapagtanggol ng kapayapaan. Napakalaki ng kanilang ambag sa ating pambansang pagkakakilanlan at sa patuloy na pag-unlad ng ating lipunan. Kaisa ng mga IP ang ZABIDA sa kanilang patuloy na pakikibaka para sa pagkilala ng kanilang mga karapatan, lalo na sa lupaing ninuno, inklusibong pag-unlad, at higit na representasyon sa mga usaping panlipunan.
View original post on Facebook →